Friday, November 26, 2010

I-Scream!



Napakainit sa Pilipinas kaya hindi na bago sa atin na makakita ng mga tindahan ng mga pampalamig sa bawat kanto saan mang sulok ng ating bansa. Para sa akin, wala nang mas sasarap pa sa pagkain ng ‘Ice cream’ o sorbetes sa kainitan ng panahon ngayon na dulot ng ‘climate change.’

      Halos lahat ng mga Pilipino – matanda o bata, mahirap o mayaman, ay mayroong tinatawag na “sweet tooth.” Masasabi kong kabilang ako sa kanila. Ako ay mahilig sa matatamis lalo na sa ‘Ice cream.’ Masarap na, mura pa! Akalain niyong may mabibili ka nang sorbetes sa halagang P5 lamang.

     Walang pinipiling edad sa pagkain ng Ice cream. Ito ay nagbibigay ng kasiyahan sa mga kumakain nito. Kahit ang mga may diabetes ay pwede na ring kumain ngayon dahil mayroon nang Ice cream na ‘sugar-free.’ Hindi ito nawawala sa mga handaan tulad ng kaarawan, binyag, anibersaryo, pasko, bagong taon at iba pa. Masasabi kong ito ay isa sa mga inaabangan ng mga bisita bilang panghimagas.

      Halos linggo linggo ay kumakain ako ng Ice cream: sa bahay at kahit sa aking paaralan. Madalas kaming bumibili nito sa Ministop sa Dapitan matapos mananghalian. Tamang tama ito para mapawi kahit papaano ang nararamdamang init sa Maynila. Kulang pa ang mga salita upang ipahayag ang tuwang nararamdaman ko tuwing ako ay nakakakain ng Ice cream. Nababago nito ang aking mood; halimbawa, kung ako ay nalulungkot, ang pagkain ng Ice cream ay makapagdudulot ng ngiti sa aking mga labi. Ang pinakapaborito ko ay ang Ice cream na mabibili sa Dairy Queen (DQ).

      Kaya't kung ikaw ay naiinitan, tumakbo na agad sa pinakamalapit na tindahan at sabihing "I-SCREAM FOR ICE CREAM!"


Krisly Anne C. Rayo
   1T1

2 comments:

  1. tama ang iyong sinabi... napakainit talaga ng panahon ngayon,.. naaala2 ko tuloy ang mini stop moments natin sa dapitan... ahahaha.... dati rin akong nagplano na maghanda ng sorbetes sa aking kaarawan kaso hindi natupad dahil wala kaming makitang vendor... =D ... good job....
    - R.A. (maganda! ako!.. po!) =D

    ReplyDelete
  2. masarap nga talaga ang ice cream lalo na kapg mainit ang panahon.

    ReplyDelete